Nakita kong nakapag-move on ka na.Mabilis oo,kaya tuloy naisip ko ngayon ang yung bago.
Hindi ako nagpapaka-bitter na gaya ng sinasabi nila.Pero kung susuriin ko ang partner mo ngayon?Hindi ko talaga lubos maisip na papatulan mo talaga siya.Despirado ka ata,huwag mo akong kinukutya.Masaya ako ngayon,ewan ko lang kung natural mong nararamdaman yan sa kaibuturan ng iyon laman.Hindi na natin dapat pang banggitin ang katotohanan.Kalayaan na lang ang hiling ko sayo na dapat mong matagpuan.
Para sabihin ko sayo,hindi ko nararamdaman na iniibig mo siya ng totoo.Ginagamit mo lang ito upang pagselosin ako.Sa posts at comments mo ay masyado kang halata.Nagkukuwento na para bang tagapag-balita?Dapat bang malaman namin ang lahat at nais mong ipagkalat.Purihin mo ang iyong sarili na ikaw na ang masaya.Pero lokohin mo din ang iyong sarili na wala ng mas sasakit pa,pagkat sa pagpapapansin na pinapakita ay nagmumukha kang katawa-tawa.
Bakit madalas na ganito tayo?Guilty din ako oo.Unang dahilan na naisip ko,ay dahil ayaw na ayaw natin na kinakaawaan tayo.Ayaw natin ang pakiramdam na susuriin ng tao ang ating pagkabigo sa anumang larangan.Nagpapakatatag at nagpapanggap na nakalimot na sa ganitong kalungkutan at masayang nakausad na ng tuluyan.Naaawa ako sayo,nagpapakita ka na masaya at katumbas ng katotohang yan ay ang mga sandaling iyung inaaksaya.Bakit hindi ka magpakatotoo kuya.Sino ngayon ang nakakatawa?