Unpropesyonal na minsan ang mga pinagsasabi mo.Kayabangan na madalas ang lumalabas sa bibig mo.Elokwente pero arogante madalas ang mga binubulalas ng bibig.Tuloy nakunot ang noo ko,at napansin ko kung gaano kadumi ang kuko mo.
Hindi masama ang kumpiyansang pinapakita mo.Pero madalas na tumatawid ka sa guhit ng pakikipag-kapwa.Sa kabilang banda ay natatawa ka,pero sino kaya ang mas nakakatuwa kung aking ililitanya ang mga bagay na sayo ay kapuna-puna.
Unang-una,matuto ka namang magpakumababa minsan.Huwag mo namang tinataas palagi ang iyung bangko.Pangalawa,maghilod ka.Malinis na mga salita hindi lamang nalalambat sa bibig,naaamoy din.Gaano kahalaga ang pangangalaga ng katawan para sayo?Minsan ka ng nagkaroon ng isyu dahil sa personal hygiene mo.Bueno,tamang payo sayo ng kapwa mo,''matataba man tayo pero nagagawa ko pa ring alagaan ang sarili ko''.
Interes ko na nga lang ba na pakinggan ka talaga bukod sa wala akong magagawa eh madalas na mapipilitan na lang talaga akong makinig.Pero hanggat maaari,gusto kitang hindi na makita.Nagpapaka-maayos ka ng nakaraan.Nagdadamit na akala mo'y natabunan na kami sa daan.Teka,suot mo yan ng nakaraan,di ba????
Tatanggapin kung mabuti kang tao,hindi ka naman ganun kasama.Madaldal lang ang yung dila ang maraming sinasalita.Mga bagay na di mo napupunang ikaw ang kinukutya.Kasipagan mong magdaldal siya namang katamaran mong maglinis ng imburnal.Nangangalingasaw,naamoy ko ang nakatago mong ikaw.Nanliligaw sa mga salita,pero madalas na nahuhulog.Natatalisod at lalong nabubuo ang palaisipang ikaw ay may sikretong gaya ng mga tanod.Nagbabantay ng gawain ng iba,pinagtatawanan at nangungutya ng palihim ang tira.Eh ngayon ano ka kung ito ay yung binabasa?Sino ngayon ang nakakatawa?