Gusto ko lang pagtuunan ng pansin ngayon ang pangako sa mga salita?Well,madalas tayong makapagbitaw ng mga pangako o kahit hindi man,na minsan sa huli ay kakainin natin.Tama di ba?Ikaw at ako ay guilty diyan,o kahit sinuman.
Matagal na panahon na,at isang classic na kuwento na sa atin ang ganito.Halimbawa sa ating magkakaibigan.
Naalala ko na hinding-hindi ko babatiin ang isang taong hindi namin nais na maging bahagi ng aming samahan.Normal lamang ito sa napakaraming dahilan.Pero dumating sa punto na naging mas malapit ko pang kaibagan ang taong ito kaysa sa mga nauna sa kanya.Ako ba ay dapat na kainisan dahil diyan?
Nailagay ko ang sarili ko sa ganitong sitwasyon,kaya ngayon naunawaan ko din ang isa sa kanila na kinakaibigan ang taong lubos ko namang kinamumuhian.At hindi ko rin siya masumbatan.Pero kay hirap kapag ikaw lang ang uunawa o iintindi.
Natural na mapang-husga ang tao.Madalas na tingnan natin ang mga bagay na katawa-tawa sa bawat isa,sa katotohanang ito ay bilang isang depensa upang tayo sa kapalit ay umiwas din o bilang panangga sa panghuhusga na maaaring maibato din sa atin.Nakakatawa di ba?
Ayaw kong husgahan ako ng iba kaya ako na ang unang maghuhusga sa kanila.Resulta nito,ang mga masasakit na salita,pangungutya na sa huli ay ikahihiya natin hindi man sa taong hinusgahan ngunit higit sa lahat sa ating sarili.Lalo pa kapag nakilala na natin ng lubos ang isang tao.
Madalas nating bigyan ng alias o bansag ang isang tao,para satin katawa-tawa,nakakadiri,nakakatakot,nakaka-asar o kung ano pa man ang isang tao mula sa ating walang basehang mga panghuhusga sa mga salita.Pero naisip ba natin minsan ang sinasabi din ng iba patungkol sa atin?Nagdalawang isip ka ba ng pintasan mo ang nakatabi mo sa isang public jeepney?Malamang na may tumatakabo din sa isip niya ng mga oras na nahuli ka niyang pinagmamasdan mo siya.Hindi marahil,ang tumatakbo lamang sa isip mo nun ay ang husgahan siya.Tama ba?
Kalaunan maaiisip mo sa sarili mong anong pagkakamali ang iyung nagawa kapag may narinig kang mga usapan na hindi maganda tungkol sayo.Ang lahat ay isang paikot na mosyon ng mga bagay.Ating tandaan na kapag may sinabi ang isa,itoy magiging isang gasolina na magpapa-andar ng isang makina at tatakbo ng ibat-ibang daan.Minsan hihinto ito,ngunit oras na muling maumpisahan sa isang usapan ay muling tatakbo at haharorot pa minsan.
Kaya mabuti na ang tahimik ka at nagmamasid.Kinikilala ang dapat kung nais mo talaga at nagpipigil na magbitaw ng mga salitang maghuhusga sa kanya,pagkat hindi mo rin alam kung ano ang sinasabi ng iba..Sino ngayon ang nakakatawa?