.

SINO ANG KAIBIGAN MO DOON

May mga taong sadyang MAPANG-ABUSO sa mga kaibigan,hanggat kaya nating pagbigyan eh bakit hindi?..ngunit masakit pa din pala kapag ka sumobra na,tipong ang dating eh sarili na lang nila ang PAKABIG lagi...


Nakakatawa ka kung ikaw ang tipo ng kaibigan na ang lakas mang-asar pero pikon naman.ang lakas makapang-lait pero wala namang maipagyabang sa totoo lang.


Kaibigan ang tawag sa taong natutuwa kang kasama sa araw-araw.Sa taong napagsasabihan ng mga sikreto at sama ng loob.Na napaghuhugutan ng inspirasyon para pumasok sa trabaho o sa school o kahit sa anu mang gawain.


Kabigan ang tawag sa taong marunong umintindi at umunuwa,marunong lumugar at kumilala ng utang na loob.Pwes,wala ka sa depenisyon na ito,nakakatawa ka..sapagkat isa kang taong bato na nabuhay matagal na panahon na,hanggang ngayon namumuhay pa?Anong ebulosyon kabilang ka?


Taong bato ka kung makahingi ka ng yosi ng iba..araw-araw!!!!?????magbibisyo ka,wala kang pang-sustento..nakakatawa ka talaga!


Taong bato ka dahil ang lakas mong magbilang ng bagay na naitulong mo,pero ang tulong niya nabilang mo ba kahit ang mumunting barya na kung susumahin malaki pa sa naitulong mo sa kanya at ni hindi mo man lang naisip o naalala!Supeer nakakatawa ka!


Taong bato ka kung tingin mo na laging ikaw ang bida.Ikaw ang laging tumutulong,ikaw ang laging may malaking papel sa pagkakaibigang ikaw na ang sinusuka...Hindi ganito ang depinisyon ng kabigang alam ko.Anong diksyunaryo mo yan nabasa at kelan nalimbag,sino at ng anong kompanaya!Heavy kang nakakatawa!




Huwag mo ding gamitin ang isang kaibigan dahil may mga pangangilangan ka na minsan hindi niya maibigay,MAIBIGAY NG SOBRA!????Ang labas ngayon ikaw na naman ang bida at ang isa ang mukhang kaawa-awang patay gutom na para bang isang napakalaking utang na loob na natagpuan ka niya!KAIBIGAN KA BA?????Hindi!!TAONG BATO KA!!




Tandaan mong ang pagkakaibigan ay isang paikot na mesa..May mga oras na kumpleteo may mga oras na hindi.At lagi mong tandaan na sa mga panahong wala ang isa,puwede kang maging isang wagas na bida..ngunit iba pag-kumpleto na naman ang hapag ng isang malaking pekeng usapan na hindi ko lubis maisip at natitiis ko pa.Mahuhuli at mahuhuli mo rin ang isdang dapat na kinakapitan mo at mag-ingat ka..baka sa huli ikaw ang lamunin niya..may ideya ka kaya?Hindi laging ikaw ang kumakabig,minsan mag-ingat ka dahil baka sa mga palihim na gawa-nilalamon ka na niya.SINO NGAYON ANG NAKAKATAWA?