.

''Customer should always be treated right!''

Mahirap ang ngumiti?Depende,dahil sari-saring dahilan kung bakit napapangiti ang tao at kung bakit din may mga nagsisimangot at para bang sing dalang ng pagyaman ng mga Pilipino ang pagngiti ng isang tao.

Madalas dahilan ng pagngiti ng isang tao ang kawalan ng mga alalahanin sa buhay.Kapag wala kang masyadong mga suliranin eh bakait nga naman magkakaroon ka ng dahilan upang hindi maging masayahin?Pero paano nga ba ako tatawa kung sa dami ng dapat na isipin at alalahanin eh ni hindi mo na mapansin ang hitsura mo.Gaano ba kasarap ang pakiramdam kapag nginitian ka ng isang tao na kahit hindi mo naman kakilala.At gaano naman nakaka-sama ng loob kapag nagbigaay ka ng ngiti sa isang tao na hindi man lang nagpakita ng interes sa kanyang reaksyon.Nakaka-sama talaga ng loob lalo pa kung buong giliw kang nakipag-ngiti sa isang tao,tapos eh parang walang ni ha ni ho na napansin ang kaharap mo.Para bang nakaka-bastos.

Minsan napag-usapan sa isang training sa office namin ang isang senaryo ng isang sales lady at ng isang customer.Matutuwa ka nga naman ba kung matapos mong bumili ng produkto na pagka-mahal-mahal sa kanya ay nakasimangot pa din ang sales lady sayo o kaya naman eh parang halos labas sa ilong ang pagpapasalamat sa iyo at pag-anyaya ngbumalik kang muli.Nakuh!!!babalik ka nga naman pa kaya sa babaeng ito?Hindi!!!!


Kadadaan ko lang sa isang Drugstore bago ako umuwi at bumili ako ng gamot.Halos titigan lang ako ng lalaki ng tanungin ko tungkol sa gamot na bibilhin ko,nakaka-insulto.Okay,napansin ko na may inaasistehan din siyang ibang cutomer ngunit tama bang isnaben ako?Kulang na sa asal kulang pa sa propesyunalismo.Magandang lalaki pa naman siya ngunit nais kung bastusin bilang ganti sa kanya at tutigan na parang sasabihin ko sa kanya na ''walang hiya ka,bastos ka!''.


Nitong nakaraang linggo din ay magkasama kami ng kaibigan ko at nagkita kami sa isang convenient store.Matapos kung pumila sa Counter at makapag-bayad ng aking pinamili ay sumunod ang kasama ko ngunit dahil magkatabi kami ay siguro inakala ng cashier na nauna ang lalaking nasa may likod ko.kaya ang eksenang ito ay nagpa-init ng ulo sa kaibigan ko.sa halip na magpa-umanhin at unahin siya ay itinuro pa siya sa kabilang counter.Aba naman kuya,anong traioning meron kayo????Makangingiti ba naman ako kung ganun ang pagtrato sayo?Sira ang araw mo!!!!


Nang araw ding iyun ng kumain kami sa isang fast food chain ay nagkaroon nga uli kami ng pakikipagtalo sa mga tao na tulad nito,hindi ba kailangan ng propesyunalismo ang trabahong ito?Ang siste,eh nagtanong ako sa counter kung pwede kako mag yosi sa tapat,sinagot niya ako ng oo at sa paninigurado ko ay tinannong kung muli kung wala namang manghuhuli...sagot niyang muli ng wala naman daw.Bagamt takot ako eh di nagyosi na din ako sa labas.Ngunit aba naman manong Guard,pinagsindi niyo muna bago sinita?Ano ba ang problema sa atin????Sa init ng ulo ko ay kinausap ko ang Manager ng Branch ng Fast food chain na ito.



Propesyunalismo,ang ngiti mo,ang kompanyang pinagtatrabahuhan mo..lahat ng yan inilalarawan ng kilos mo.Customer may not be always right pero para sakin ''customer should always be treated right!''Sa huli ikaw din ay haharap sa ibang tao at mangangailangan ng serbisyo mula sa iba,ngayon sino ang nakakatawa kapag tinrato ka nila ng gaya ng pagtrato mo sa kanila.