Nakakatakot ba ang job interview?Siguro Oo para sa mga first timers...Pero ano ba ang dapat na ikatakot mo?bakit ka mawawalan ng kumpiyansa kun alam mo kung hanggang saan ang kakayahan mo.
Ewan ko ba kay Berta.Graduate siya ng Mass Comm..Oo,Mass Comm pa naman.pero ngayon ay nasan siya?Nasa mall,maghapong nakatayo at naghihintay ng sari-saring mga custumer na matataray at inisnab-isnab lang siya.Nakuh huling kita ko sa kanya ay payat na siya,ngunit ngayon ay mas pumayat pa siya.Akala mo ay naubusan ng dugo ng tumuklaw na ahas sa kanya.
Kulang nga siguro talaga siya sa kumpiyansa.makailang pilit ko na din siyang pinilit na maghanap ng trabahao na akma sa tinapos niya.Ewan ko ba kung taloagang mahina din ang convincing powers ko,sa tingin ko din ay nafduduwag lang talaga siya.ramdam kung hirap na din siya sa trabaho niya at isa pang sagabal ay ang gupit ng buhok niya ngayon na sukang suka na siyang makikita parati sa umaga.hindi siya makapagpahaba ng buhok,pano ba?Eh lisbiana o bading ka man o kahit ano pa ang sekswalidad mo ay kailangan mong sumunod sa regulasyon ng trabaho.Ilang trabaho nga lamang ang walang tinatawag na dress code o Look code.
Nakakapanghinayang ang panahon na pinuno noya sa kolehiyo na gaya ng napakaraming mga Pilipino.karamihan nga mga tao sa atin ay Underemployed o yung mga nagtapos na hindi angkop ang tinapos na kurso sa kanyang kasalukuyang trabaho.maraming mga nurses halimbawa ang nasa call center,guro o maging pulis dahil sa hirap ng paghahanap ng angkop na trabaho.Palakasan daw kasi dito ang pagpasok sa trabaho lalao na sa mga naunag nabanggit na propesyon.gaya na lamang ng pinaka magandang halimabawa ay ang mga nurses,ikaw na nga ang magababayad para sa training ng halos anim na taon,pagkatapos nito eh saan ka pupunta?Wala din,gumastos ka na,wala ka pang naipong pera.
Naisip ko eh bakit hindi ipadala ang mag nurses na ito sa malalayong lugar na gaya ng spratlys o kaya sa Mindanao o saan mang mga lugar na kulang ang mga assistance para sa mga nagkakasakit.