Ang pag-ibig ay gaya ng isang sasakyan,mamili ka kung public utility jeep or taxi.
Sasakay dahil alam mong kailangan mo.Gaya ng pangangailangan mong makarating sa patutunguhan,isang malaking ginhawa ang sasakyan.
Dadalhin ka sa dapat mong puntahan.Hindi ka basta na lamang na bababa kung saan dahil may tamang babaan.Kailangan mong tiisin ang siksikan at ang init,ang amoy ng katabi mo ay idagdag mo pa diyan.
Gaya ng pag-ibig,may pagsubok may mga hadlang.May tamang daan,may tamang pupuntahan kung alam mo ang paroroonan.Hindi basta-bastang bababa ka na lang.Minsan lalagpas ka sa tamang babaan,minsan kailangan mong maglakad ng kunting hakbang upang sumakto sa pupuntahan.Ang pag-ibig ay hindi lahat kaginhawaan,kailangan mong mag-adjust kung kinakailangan.Kailangan mong matutung sumunod sa mga panuntunan ng pagmamahal at pamama-alam.
Kung lulan ka man ng taxi,hindi nangangahulugang kahit saan ay pwede ka ding bumaba.Ang batas ay para sa lahat ng sasakyan,hindi para sa isang uri lamang.May pinagkaiba man sa mga daan ngunit iisa din lang ang nais na puntahan.Ang pag-ibig na nais mo ay malayang pagpipilian.Nasa sayo ang paninindigan kung ano ang nais mong sakyan.Malaya ka hanggang saan ang nais mong puntahan kung lulan ka ng taxi,kailangan mo namang bumaba sa boundery ng jeepney kapag narating ka na sa kaduluhan.
Ang pag-ibig ay batayan ng iyung pagkatao pagdating sa pakikipagkapwa.Pero bakit may mga tumatandang dalaga o binata kaya?Nagngangahulugan ba itong masamang tao sila?Ang pag-ibig ay bunga ng pakikisama.Bunga ng panahon ng pakikisalamuha sa ibat-ibang klase ng tao at kakilala.Lahat ay pagpipilian,lahat ay pagdedesisyon para sa sarili,para sa kapwa,para sa lahat.Gugustuhin kung mag-isa anuman ang dahilan kung iyun ang nais ko.Ang pag-ibig ay nasa lahat ng aspeto ng buhay ng tao sa totoo lang.Oo marahil pinaka-mataas na uri ng pag-ibig ay ang pag-ibig sa kapwa.Ngunit ang pag-ibig ay nasa pag-ibig din sa kapwa,pag-ibig sa trabaho,pag-ibig sa talino,sa talento,sa gawain at sa lahat ng bagay na nais mo.Sa lahat ng bagay na ginagawa mo.
Anumang sasakyan lulan tayo ngayon,eroplano,barko,jeepney,taxi o Space Shuttle man ito.Iisa ang nais natin,pag-ibig.