Inisip na lamang ni Ciara na panaginip ang lahat,isang bangungot na naman na muli niyang napagtagumpayan sa isang mahabang pagtulog.Mahalaga ngayon ay mapagtagumapayan niya ang lahat at galingan pa.Mag-isa man siya,iniisip din niya na mas madali sana ang laban kung mayroon siyang kakampi.
Bilog ang buwan,at ang lahat ng mga kasamahan ni Ciara sa opisina ay nagsipag-uwian na.Nasubsub kasi siya sa tambak na gawain mula sa mahabang bakasyon niya kaya kailangan niyang manatili sa harap ng computer at tapusin ang lahat ng paperworks bago ang deadline sa kinabukasan.
Tanaw ni Ciara mula sa bintana ng opisina nila sa ika-dalawampung palapag ang kalamlaman ng mga ulap sa panginorin na pinagdadamutang tanglawan ng namimilog na buwan.
Nagmamadali ang mga daliri ni Ciara na patalon-talon sa keyboard.Alam niyang iniwan na din siya ni Ruben at hindi na din nakatiis pang hintayin siya dahil na din sa antok.Ngayon tanging maririnig sa loob ng opisinang ito na kinalalagyan niya ay ang tunog ng keyboard na pinipindot ni Ciara.Hating gabi na,at ang oras na tumatakbo ay unti-unting dugong parang sinisipsip ng Bampira na siyang takot na nagpapa-ikot-ikot sa utak ng dalaga.Ayaw niyang maging Bampira o ang maging hapunan ng Bampira ngayon sa kanyang pag-iisa sa kanilang opisina.
Kinabukasan,wala pa ang umaga ay naroon na si Ciara.Ikinagulat ito ng lahat ng kanyang mga kasama,pagkat halata ang putla ng mukha nito,ang kanyang mata ay tila ba initiman na parang ilang libong taon ng di nakaranas ng pagtulg.Ikinabigla din nila ng maipasa ni Ciara ang lahat ng paperworks nito sa oras at napuri pa ng boss nila dahil sa linis at ayos ng pagkaka-present niya.
Sumunod pang mga araw ay naging lihim na na usap-usapan ng mga tao sa opisina si Ciara at ang unti-unting pagbabago ng kanyang hitsura.Kaya lalong lumakas ang kanilang hinala dito na si Ciara ay isang Bampira.
Pinagdudahan nila ang madalas na pagpapa-iwan ni Ciara sa kanilang opisina hanggang hating-gabi.Ang hindi na nito madalas na pakikipag-usap sa mga kasama,ang hindi na nito pagsisimba.Ang pangingitim ng kanyang mga mata at ang labis na pamumutla at lalo na ang napaka-agang pagpasok sa opisina.Hindi na nila ito madalas mapansin na naaarawan.Daratnan kasi nila itong nasa opsina na at iiwanang nasa opisina pa.
Minsan isang gabi ay nagbalak na magpa-iwan si Ruben sa opisina.Bukod kay Ciara ay siya ang huling ka-opisina nito na nagpaalam sa nauna.Iniwan ni Ruben na kaharap ni Ciara ang computer,at nagkunwari siyang tinungo ang pinto at sinara ito ng malakas upang iparinig na nakalabas na siya.
Nagtago si Ruben sa likod ng mesa malapit sa pinto.Saglit na nagdasal dahil sa kaba at nagbilang ng sandali bago dahan-dahang gumapang papalapit sa mesa ni Ciara.Mula sa sulok ni Ruben ay tanaw niya ang nakatalikod na si Ciara.Abala pa rin ito sa harap ng computer niya at waring walang balak na alisin ang mga daliri sa keyboard niya.Naghintay si Ruben hanggang pumatak ng sakto sa orasan ang hatinggabi.Maya-maya pay nakarinig ng alulong ng aso si Ruben mula sa labas ng kanilang opisina sa di kalayuan.Agad siyang napa-krus sa narinig at nanlamig sa nerbiyos.Maya-maya pa ay narinig niyang....''aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhhhhh!!!!hindiiiiiiiiiiiiiiii!!!!!!!!!''napatayo si Ruben mula sa pinagtataguan at nagkatinginan sila ni Ciara.
''Ciara,huwag mo akong kainin pakiusap..''ang pagmamakaawang bulalas ni Ruben sa harap ni Ciara.
Nagulat si Ciara.''Sinong kakainin??...Nandito ka pa pala...Maglaro tayo ng Dota.Wala akong kasama at marami sila.Magbukas ka ng computer mo,dali!!!''
Kinaumagahan,pinag-usapan ng mga tao sa opisina na Bampira na din si Ruben....